Final Destination

Kapag Christian ka, alam mo na Heaven ang naghihintay sayo pagkatapos ng time mo dito sa Earth.  Heaven is your home.  And we will be with Him one day.  Pero may mga pangyayari sa buhay natin dito na pilit na magpapalimot sa atin ng katotohanang iyon.  Ito yung mga pangyayaring nakakatakot, nakakagalit, nakakafrustrate o nakakalungkot.  Mga pangyayari na nagiging mahirap para sa atin na mag-enjoy at magrelax.

Dumating din sa buhay ko yung panahon na yun na pakiramdam ko lumipas na ang masasayang araw.  Na depress ako noon dahil tingin ko, nabigo ako sa mga bagay na sinikap kong abutin sa buhay na ito. Pakiramdam ko noon hindi na ako sasaya kahit kailan.  Parang natapos na ang lahat at hinihintay ko na lang na ipatawag ako ng Diyos.  Ang O.A no?  Ganun talaga ka-O.A pag nade-depress         .  Sabi nga, ang mga Christian paminsan-minsan dinadapuan din yan ng lungkot, pero konti lang at hindi sila nananatili doon.  Hindi sila darating sa puntong susuko na sila sa buhay at magpapakamatay.  Wala pa akong nabalitaan na totoong Christian na nagpakamatay.  Naitanong ko nga rin kung bakit.    Nalaman ko ang sagot noong ako mismo ay nasa puntong gusto ko nang mamatay. May mga bagay na hindi ko kayang i-share sa kaibigan o kapamilya.  Hindi rin ako ganon ka komportable na makita nila akong umiiyak.  Kaya sa Diyos ako naglalahad ng lahat ng nasa loob ko.  Ang bigat ng loob ko at totoong marami akong iniluha noon.

Ninety nine percent of the time God will speak to your mind through your spirit.  Hindi Sya gaya sa mga napapanood nating cartoons na may maririnig kang malakas na voice over na magsasabi sa tao kung anong gagawin.  No.  That’s not intimate enough.  Mangungusap Sya directly to our spirits.  In that moment of depression,  God gave me His loving message and it deeply touched my heart.  Bigla ko nalang naalala ang Heaven.  Hindi lang ang ganda nito o ang amazing things na makikita roon, pero dumating din sa isip ko yung moment na magkikita kami ng Lord face-to-face.  Dumating sa akin yung thought of being with Him forever.  Pakiramdam ko, nabuhay ulit ang puso ko at naramdaman nito yung joy and excitement of that one sweet day.  From that moment, I caught myself smiling again and praising Him.  Nagkaroon ako ng bagong pag-asa at naalala ko ang mga pangko Nya.

Sa Bible, sinabi na in this life we will have troubles, trials and persecutions (1Thes.3:3-4; 2Tim.3:12).  Ang mga problema ay sure na darating.  Walang taong exempted.  At kahit nga ang Lord humarap din sa mga hardship at persecution.

1Thes.5:16-18,  “Be joyful always; pray continually; give thanks in all circumstances, for this is God’s will for you in Christ Jesus.”

Ph. 3:1 Finally, my brothers, rejoice in the Lord!

Ph. 4:4 Rejoice in the Lord always. I will say it again: Rejoice!

Sa gitna ng troubles, trials and persecutions maging joyful?  Mag rejoice?  Posible ba talaga yun?  Nalaman ko na, kaya pala ako nakaramdam ng ganong lungkot ay dahil naiba ang focus ko.  Nakatingin ako noon sa problema ko.  Nagfocus ako doon hanggang sa unti-unti iyong lumaki at naharangan non ang mata ko sa pagtingin sa Lord.  Parang si Peter, noong inalis nya ang paningin nya kay Lord at nagfocus sya sa malalakas na alon at hangin (Mtt.14:30) natakot sya at lumubog.  Kaya pala mahigpit ang bilin sa atin sa Col.3:1-4; at Phil. 4:8

“Since, then, you have been raised with Christ, set your hearts on things above, where Christ is seated at the right hand of God. Set your minds on things above, not on earthly things. For you died, and your life is now hidden with Christ in God. When Christ, who is your life, appears, then you also will appear with him in glory.”  Col.3:1-4   

“Finally, brothers, whatever is true, whatever is noble, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is admirable — if anything is excellent or praiseworthy — think about such things.”  Phil. 4:8

Focus on the things above.  Kaya tayo nakakaramdam ng mga negatibo dahil mali ang tinitignan natin.  Focus our eyes on Jesus, think of the things above.  Talagang nandun yung tukso na magpaka “nega” (negative) tayo, pero kailangang labanan natin yun.  Kapag nandyan na ang challenges, takbo ka agad  sa Lord.  He will strengthen and guide you.  And remember, merong langit na naghihintay sa iyo at doon hinihintay ka ni Jesus.  Gusto Nyang maging matatag ka sa buhay na ito.  He wants you to run the race, huwag kang magpatalo.  He wants you to fight the good fight of faith(1Tim.6:12) and He wants you to win.  Remember, in Christ we are more than conquerors?  And on that very special day, He is ready to give you the reward (Rev.22:12).  Be strong and trust Him.

I have told you these things, so that in me you may have peace. In this world you will have trouble. But take heart! I have overcome the world.” Jn. 16:33

3 thoughts on “Final Destination

Leave a comment